Cleansing diet or healing diet ay hindi lamang pangontra sa kanser, mabisang panlaban din ito sa sakit na diyabetes, hika, gout na dulot ng pagkakaroon ng mataas na uric acid, rayuma, pananakit ng katawan, altapresyon o mataas na presyon ng dugo, sakit sa puso, allergies, atbp. Nakatutulong ito nang malaki upang ma-detoxify o tanggalin ang mga toxin sa ating katawan, nang sa gayon ay lubos na gumaling at tuluyan nang mawala ang sintomas at pasakit na dulot ng mga sakit na nabanggit. Ang cleansing diet ay para sa mga taong may malusog na pangangatawan at nais lamang na makaiwas sa sakit, samantalang ang healing diet ay para sa mga taong may karamdaman at gustong gumaling ito. Makabubuting isagawa ang cleansing diet isang beses bawat linggo, samantalang ang healing diet ay tatagal ng dalawang linggo hanggang isang buwan.
Bilang panimula o preparasyon, isagawa ang cleansing diet o healing diet sa pamamagitan ng pag-inom ng 1 litro ng tubig bago matulog sa gabi at kumain ng isang uri ng prutas. Kinabukasan, kumain lamang ng isang serving ng prutas tulad ng mansanas, saging, pineapple, watermelon, cantaloupe o mga hilaw na gulay tulad ng karot, singkamas sticks, celery stalks, spinach at cucumber na hindi ginagamitan ng dip o dressing. Tatagal ang pagkain ng purong prutas at gulay sa loob ng dalawang linngo hanggang isang buwan para sa healing diet. Kung gusto mo, pwede mo itong kainin nang tulad ng sa salad na walang dressing o kaya ay bilang fruit at vegetable juices.
Sa cleansing o healing diet, ikaw ay kakain ng anim hanggang siyam na beses, dahil makalipas lamang ang dalawang oras, ikaw ay makakaramdam ng gutom. Sa mga diet ding ito, mas mabuti ang kumain ng maraming beses na tig-iisang serving ng prutas kaysa kumain ng tatlong beses na maramihan. Mapapadalas din ang paggamit mo ng banyo upang magbawas (2 - 3 beses sa isang araw). Ito ay dahilan sa ang mga toxin sa loob ng iyong katawan ay inaalis sa pinaka-mabilis na pamamaraan. Makabubuti rin ang pag-inom ng walo (8 ) hanggang sampu (10) 8 ounce na baso ng tubig (preferably distilled drinking water) bawat araw, upang maiwasan ang dehydration.
Sa pagtatapos ng inyong healing diet, makalipas ang dalawang linggo o isang buwan, makabubuting kumain muna ng lugaw o oatmeal o samporado (rice porridge na may tsokolate), bilang preparasyong sa pagkain ng solid food. Ito ay upang hindi mabigla ang inyong tiyan sa pag-tunaw (digestion) ng mga solid food.
Babala: Makakaramdam ka ng pagiging irritable, pagkahilo, di-makatulog at paglabas ng pimples sa iyong mukha. Lahat ng mga ito ay panandalian lamang at makalipas ang isang buwan, ang mga ito ay mawawala rin.
Ang mabuting kalusugan ay nagsisimula sa pagkakaroon ng tamang kabatiran. Ang mga tips na pangkalusugang ito ay makatutulong nang malaki sa ikabubuti ng iyong pangkalahatang kalusugan, lalo na kung gagamitin o isasagawa nang tama. Best Wishes!!!
Blog Archive
-
▼
2008
(21)
-
▼
November
(21)
- Breathing Exercises
- Kamasutra: The art of making love
- Pressure points of the body
- Fasting
- Cleansing Diet and Healing Diet
- Sunlight theraphy
- Suob for New Mommies
- Bintusa
- List of Medicinal Plants in the Philippines
- Hydro Therapy (Water Theraphy)
- Swedish Massage
- Shiatsu
- Sensual Massage
- Neck Massage
- Massage for babies
- Foot Massage
- Facial Massage
- Facial Massage
- Breast Massage
- Back rubbing massage
- How to prepare for a massage session
-
▼
November
(21)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment